Insidente

Mga Martir ng Agosto ng Panay

Ang Komite ng Partido sa Sentral na Prente ng Rehiyon Panay, kasama ang mamamayan at masa sa rehiyon, mga kaibigan, pamilya at mga mahal sa buhay ay taas-kamaong nagpapaabot ng pinakamataas na pagsaludo at papuri sa mga matapang na pulang mandirigma ng bayan bilang pag-alaala sa 11 Martir at Bayani ng Agosto sa isla ng Panay. Isang taon na ang nakalipas ngunit nananatiling sariwa sa ating mga isipan ang karumaldumal na pangyayari na nagbunsod ng kanilang kabayanihan. Ang 11 magiting na martir ay sina Vicente Hinojales (Ka Hadji/LJ), Ma. Conception Araneta-Bocala (Ka Concha), Rewilmar Torrato (Ka Mara/Minerva), Benjamin Cortel (Ka Mamang/Ruby), Aurelio Bosque (Ka Rio/Zarco), Juvelene Silverio (Ka Porang/Akay), Romulo Gangoso (Ka Reagan/Pedik), John Paul Capio (Ka Roling/Ronron), Jerry Tacaisan (Ka Miller), Armando Sabares (Ka Nene/Kulot), Jielmor Gauranoc (Ka Tango/Doc).

Matatandaang noong nakaraang taon, Agosto 5, 2024 ay minasaker ng mga berdugo at teroristang militar sa ilalim ng 3rd ID PA ang 11 mga walang kalaban-labang kasama sa erya ng Sentral Panay sa hangganan ng mga probinsya ng Antique, Aklan at Iloilo. Tinawag natin itong pangyayari bilang mga Martir ng Agosto ng Panay.

Maalaalang noong nakaraang taon sa mayabang na pahayag sa midya ng teroristang militar na ang mga biktima ay nasawi diumano sa mga serye ng mga engkwentro na naganap sa Barangay Aglonok, Calinog at Barangay Cabatangan, Lambunao pareho sa probinsya ng Iloilo at Barangay Culyat, Valderama sa Antique.

Sa huling paniniyasat, batay sa ulat ng mga kasamang malapit sa pinagyarihan at sa ilang masa, walang naganap na engkwentro o palitan ng putok bagkus ay buhay pa nang nadakip ang 11 mga kasama, tinortyur, dinala sa iba’t-ibang lokasyon at doon sila unti-unting pinagkikitlan ng buhay. Pagkaraan nito ang pamomomba at walang patumanggang pagpapaputok ng mga militar para palabasing may naganap na lihitimong sagupaan ang mga kasama at mga militar.

Parangal