Insidente
Tuy 3
Sila ay nabuwal sa isang engkwentro sa pagitan ng mga berdugong 59th Infantry Batallion at isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Barangay Bolboc, Tuy, Batangas noong kinaumagahan ng Hunyo 23, 2024. Matapos ang sagupaan, labis pang pinahirapan ng teroristang 59th IB na makuha ng pamilya ang labi ng tatlong mandirigma.
Marapat na parangalan at alalahanin ang ating mga minamahal na martir na puno ng inspirasyon at determinasyon na isulong ang demokratikong rebolusyong bayan. Sa ganitong paraan natin matitiyak ang imortalisasyon ng buhay at kamatayang pakikibaka nila kasamang Reb, kasamang Alex at kasamang George.
Nagsisilbi silang gabay sa lahat ng patuloy na nakikibaka laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng papet na reaksyunaryong gubyerno at Imperyalistang Estados Unidos higit lalo sa hanay ng mga kabataan. Ang kanilang buhay at mga naiambag sa pambansa-demokratikong rebolusyon ng mamamayang Pilipino ay mapupulutan natin ng mga aral upang mas magpakahusay sa ating mga mabibigat na tungkulin at responsibilidad sa rebolusyonaryong kilusan.