Insidente

Peñabalanca 3

Kinukundena ng Partido ang AFP sa ekstrahudisyal na pagpaslang kina Ariel Arbitrario (Ka Karl), Danielle Marie Pelagio (Ka Seed) at Erin Sagsagat (Ka Jorly) noong Setyembre 11 sa Barangay Baliuag, bayan ng Peñabalanca, lalawigan ng Cagayan.\r\n\r\nBatay sa mga ulat sa larangan, ang tatlo ay bahagi ng isang pangkat ng anim na Pulang mandirigma na inatasang magsagawa ng mga konsultasyon at pagpupulong sa lokal na masang magsasaka. Nagtayo sila ng pansamantalang kampo sa labas ng komunidad. Hindi totoo ang mga pahayag ng AFP na nakasagupa nila ang isang 17- o 20-kataong platun ng BHB. Ang pwesto ng pangkat ng BHB ay planadong nireyd ng AFP pagputok ng liwanag. Mabilis na nagapi ang pangkat ng BHB.

Ulat ng insidente